Mga Pahina

Monday, April 5, 2010

Birthday Lesson

Napakahalaga sa isang ORDINARYONG TAO ang pag diriwang ng kanyang KAARAWAN. Minsan di mahalaga ang nakasanayang HANDAAN, ang importante ay ang mga TAONG nakaalaala sa'yo sa araw na ito. Minsan sa isang pagdiriwang ng ganitong SELEBRASYON, ating iniisip ang REGALONG ating iaabot sa kanya, ang mga PAGKAIN inyong PAGSASALOHAN, ang dami ng BOTE ng ALAK na inyong pagtatagayan at higit sa LAHAT ang VIDEOKE na usong usong sa ganitong SITWASYON. Mga bagay na MADALAS natin bigyan ng PAGPAPAHALAGA kaysa sa TUNAY na KABULUHAN ng KAARAWAN, ang PRESENSYA mo bilang isang ORDINARYONG TAO ( bilang KAIBIGAN, KATRABAHO, KAMAPAMILYA , KAPUSO o bilang BAHAGI ng BUHAY niya). Sabi nga ng BOSS ko dati, " kahit sandali ka lang sa PAGTITIPON na iyon ang mahalaga, kahit GAANO kadami ang GINAGAWA mo ay DUMALO ka".