Sa LIPUNANG ating ginagalawan sa KASALUKUYAN, ano nga ba ang KABULUHAN ng mga TAONG ito na MADALAS nating MAKASALAMUHA sa PAMUMUHAY natin?
Sa bawat HAKBANG patungo sa PANIBAGONG YUGTO ng aking PATULOY na PAGLALAKBAY, bumabalik sa aking mga ALAALA ang mga TAONG naging BAHAGI ng NAKARAAN. Mga TAONG kabahagi ko sa PAG GUHIT ng aking SARILING TADHANA. Mga INDIBIDWAL na sumubok HUBUGIN ang aking NATATAGONG TALENTO sa iba’t ibang ANYO ng SINING at pilit na NAGWASAK sa aking IDEOLOHIYA bilang isang LIDER upang aking MATUTUNANG HIMAY-HIMAYIN ito at muling PAG TAGNI-TAGNIIN upang maging MATIBAY at MAKABULUHANG BATAYAN ko sa PAKIKIPAGSAPALARAN dito sa mundo bilang isang LIDER na MAGPAPATULOY sa PAGHUBOG ng mga ISIPANG bubuo sa SUSUNOD na HENERASYON.
Mga INDIBIDWAL na animo’y MUSMOS at INOSENTE ngunit sa kanilang MAAMONG MUKHA ay MAKIKITA ang PUSONG DALISAY at ISIPANG MALINIS, kahit na ang BAWAT ISA ay may IKINUKUBLING mga ANINO ng NAKARAAN at KASALUKUYAN. Ito ang naging HIBLA upang magdugtong sa aming MGA BUHAY at MAIPAKITA ang PAGTUTULUNGAN ng BAWAT ISA upang MATUKLASAN ang LAKAS at KAHINAAN na MAGPAPATIBAY sa PAGHUBOG ng SARILI at PAGSASAMAHAN na MAHIRAP MAKALIMUTAN. Mga ALAALA na minsan ay KASIYAHAN ang dulot ( tulad ng mga masasayang araw na magkakasama at walang iniisip na kinabukasang kakaharapin ), KALUNGKUTAN ang bigay ( dahil sa mga sakit na dulot ng di pagkakaunawan sa ibat’-ibang bagay at pagtatalo sa mga pagpapa alala ng mga kamaliang ginawa), di inaasahang KALOKOHAN na nagawa ( sa mga pagkakataong pinag kakaisahan ang iba para sa kaligayahan at katuwaan ng lahat o makapag bigay aliw kahit maging katuwa tuwa sa mga taong nagmamasid) at ang pagiging KABAHAGI ng bawat isang buhay ( ang pakiramdam na kahit sa anong oras may kasama ka na masasandalan at di ka magiging buo kung wala ang bawat isa sa buhay mo).
Sila ay MAHALAGA at tunay na nag bigay ng KABULUHAN sa KASULUKUYANG BUHAY natin NGAYON. Siguro ikakatuwa mo sa ngayon kung sila ang mga TAONG tumulong sa atin sa mga PAGKAKATAON na kailangan natin ng MASASANDALAN o kaya’y mga TAONG SUMANDAL sa atin upang MAKAKAKUHA ng LAKAS ng LOOB na magpatuloy sa BUHAY na kanilang TATAHAKIN. Subalit, napaka sakit ISIPIN kung ang mga taong ito ay GINAMIT lang natin para sa PANSARILING INTERES o kaya’y GINAMIT lang tayo para sa PANSARILI nilang INTERES.
Kahit sa ano pa mang KADAHILANAN sila ay TUNAY na MAKABULUHAN sa atin dahil SILA ay naging BAHAGI ng ating NAKARAAN, maaaring bahagi pa rin ng ating KASALUKUYAN at magiging BAHAGI pa rin ng KINABUKASAN dahil sila ay DAPAT MAGSILBING TANDA ng KABUUAN ng PAGKATAO na meron tayo sa KASAYSAYAN ng ating BUHAY.
Maaaring ang TAONG aking NABANGGIT ay nakagawa ng PAGKAKAMALI sa iyo, minsan isang PAGKAKATAON at INIWAN ka ng NAG IISA para KALIMUTAN ang inyong PINAGSAMAHAN upang gawin ang SARILING TANIKALA ng BUHAY o kaya’y NANATILI sa PANIG mo dahil sa TIWALA sa’yo KAHIT ano pa man ang NAGANAP na PAGBABAGO sa BUHAY mo NGAYON at LAGING nasa TABI mo hindi lang sa MALILIGAYANG PANAHON ng BUHAY mo kundi sa PINAKA MABABANG antas ng PAKIKIPAGLABAN mo sa PAGSUBOK ng BUHAY.
Sila ay di mo pa rin MAAARING BITAWAN, KALIMUTAN at TALIKURAN dahil SILA ay minsan ay naging BAHAGI ng IYONG PAGLALAKBAY at sa PAGKAKATAON na dumating ang DAPITHAPON sa kanilang PAGLALAYAG sa KARAGATAN patungo sa DALAMPASIGAN ng BUHAY, ikaw ang SASALUBONG sa KANILA upang BIGYAN sila ng LIWANAG sa PAGYAPAK sa KADILIMAN at IPARAMDAM sa KANILA ang PAG-IBIG sa PUSO mo.