Sa Panahon na ang BUHAY ng TAO ay nakasadlak na DI maipaliwanag na PANGYAYARI lahat ay umaasa na lamang sa KALOOBAN ng LANGIT. Ano nga ba ang KALOOBAN ng LANGIT? Sa pagkakataon na ako ay NAGPAPAHINGA matapos ang isang ARAW na puno ng PAGPAPAKASAKIT upang ITAGUYOD ang BUHAY ay isang PALABAS ang nakakuha ng AKING ATENSYON (Queen Seon Deok ) isang palabas sa telebisyon. Ito'y nagsasadula ng TUNAY na NAGAGANAP sa LIPUNANG ating GINAGALAWAN. Ang mga PINUNO na naghahangad ng WALANG HANGGAN KAPANGYARIHAN ( tulad ng pandak sa Malacañang na may NUNAL ) at gagawin ang lahat ng PWEDE upang MAKUHA ang PANGARAP na sinasabing para sa LAHAT ngunit kung iyong susuriin ay PANSARILI lamang o kaya'y PANG KAMAG-ANAK lang.
Ang PALABAS ay tunay na nagpapakita di lang ng KATOTOHANAN sa ATING mga PINUNO kundi sa ugali at PANINIWALA ng mga MAMAMAYAN ng ating BAYAN. Kung paano magpaloko at MAGPADALA sa SISTEMA ng LIPUNAN ating GINAGALAWAN. Iyo ring MAPAPANSIN sa KWENTO na maraming PAGHIHIRAP at PAGTITIIS ang DADANASIN upang TULUYAn makamit ang KALAYAAN at TUNAY na KAPAYAPAAN.
ILANG TAO ang KAILANGAN MAGSAKRIPISYO ng PANSARILING HANGAD upang MAKUHA ang NILALASAP na PAGBABAGo na tunay na MAKAKABUTI sa nakakarami. Mga tao na gumawa ng PARAAN upang TULUYANG MAGAPI ay NAGHAHARING PAMILYA sa LIPUNAN.
Isang PAGBABAGO ng SISTEMA na KUMAKATAWAN sa LIPUNANG PILIPINO kahit ang PINANGGALINGAN ay mula sa IBANG LAHI, kwento na mag PAPAANTIG ng iyong DAMDAMIN dahil sa puno ng TUNAY na KWENTO ng BUHAY ( Pagsisikap, Pagtityaga, Pagpapakasakit, Pakikipaglaban at Pakikipagsapalaran ) at ang PINAKA MAHALAGA at KWENTO ng PAG-IBIG at PAG-ASA.
ISANG KWENTO na nagpapakita na NARARAPAT na TULONG TULONG tayong mga PILIPINO upang TULUYANG MAGAPI ay mga NAG-IISIP na sila ang KALOOB ng LANGIT ngunit DAPAT natin ISIPIN na sa PANAHON na MASIKATUPARAN ang GANITONG LAYUNIN ay di dapat NATIN isiping DAPAT ay MAGANAP ng AGARAN ang ating PINAPANAPANGARAp, dahil, tunay na MATAGAL na PROSESO ang TUNAY na PAGBABAGo ang MAHALAGA tayo ay MAKAPAG UMPISA ng PAGBABAGO at ipagpatuloy natin ang nasimulan UPANG MAGANAP ang PANGMATAGALAN na PAG- UNLAD, ngunit dapat ILAGAY sa PUSO at ISIPAN natin na ang TUNAY na KALOOBAN ng LANGIT ay ang DI MAWALA ang PAG-IBIG at PAG-ASA sa PUSO ng bawat isang PILIPINO!
Tribya: Alam niyo ba? Sa SOBRANG emosyong aking nararamdaman tuwing pinapanood ko ang PALABAS sa TELEBISYON, di ko na natiis na hintayin pa ang SUBAYBAYAN ang KWENTO sa TELEBISYON, ako ay bumili ng DVD( 3 volume ) para mapanood ang KWENTO.
http://www.facebook.com/?ref=home#!/profile.php?ref=profile&id=100000437685662
Sunday, April 11, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment