Mga Pahina

Tuesday, April 27, 2010

Ang KABULUHAN ng NAKARAAN


Sa bawat PAGLALAKBAY natin sa tinatawag na BUHAY, marami tayong TAO ang nakakasalamuha, iba't ibang URI, KULAY, KASARIAN, KATAYUAN sa BUHAY at PAG UUGALI. Sa bawat isang TAO na iyong nakasalamuha may mga taong NATATANGI dahil sa PANSARILI nating KADAHILANAN. Minsan dahil sa sila ay maaaring mag KAPAREHAS ng PANINIWALA sa BUHAY o kaya'y MAG KASING UGALI. Ang iba naman ay DAHIL sa sila lang ang TANGING NAKAKAUNAWA sa ating PANANAW o SADYANG PINAGTITIISAN tayo upang di MAPAHIYA sa ibang TAO. May PAGKAKATAON din na sila ang PINAGKAKATIWALAAN natin sa mga BAGAY na tungkol sa PERSONAL nating BUHAY.


Sa LIPUNANG ating ginagalawan sa KASALUKUYAN, ano nga ba ang KABULUHAN ng mga TAONG ito na MADALAS nating MAKASALAMUHA sa PAMUMUHAY natin?

Sa bawat HAKBANG patungo sa PANIBAGONG YUGTO ng aking PATULOY na PAGLALAKBAY, bumabalik sa aking mga ALAALA ang mga TAONG naging BAHAGI ng NAKARAAN. Mga TAONG kabahagi ko sa PAG GUHIT ng aking SARILING TADHANA. Mga INDIBIDWAL na sumubok HUBUGIN ang aking NATATAGONG TALENTO sa iba’t ibang ANYO ng SINING at pilit na NAGWASAK sa aking IDEOLOHIYA bilang isang LIDER upang aking MATUTUNANG HIMAY-HIMAYIN ito at muling PAG TAGNI-TAGNIIN upang maging MATIBAY at MAKABULUHANG BATAYAN ko sa PAKIKIPAGSAPALARAN dito sa mundo bilang isang LIDER na MAGPAPATULOY sa PAGHUBOG ng mga ISIPANG bubuo sa SUSUNOD na HENERASYON.

Mga INDIBIDWAL na animo’y MUSMOS at INOSENTE ngunit sa kanilang MAAMONG MUKHA ay MAKIKITA ang PUSONG DALISAY at ISIPANG MALINIS, kahit na ang BAWAT ISA ay may IKINUKUBLING mga ANINO ng NAKARAAN at KASALUKUYAN. Ito ang naging HIBLA upang magdugtong sa aming MGA BUHAY at MAIPAKITA ang PAGTUTULUNGAN ng BAWAT ISA upang MATUKLASAN ang LAKAS at KAHINAAN na MAGPAPATIBAY sa PAGHUBOG ng SARILI at PAGSASAMAHAN na MAHIRAP MAKALIMUTAN. Mga ALAALA na minsan ay KASIYAHAN ang dulot ( tulad ng mga masasayang araw na magkakasama at walang iniisip na kinabukasang kakaharapin ), KALUNGKUTAN ang bigay ( dahil sa mga sakit na dulot ng di pagkakaunawan sa ibat’-ibang bagay at pagtatalo sa mga pagpapa alala ng mga kamaliang ginawa), di inaasahang KALOKOHAN na nagawa ( sa mga pagkakataong pinag kakaisahan ang iba para sa kaligayahan at katuwaan ng lahat o makapag bigay aliw kahit maging katuwa tuwa sa mga taong nagmamasid) at ang pagiging KABAHAGI ng bawat isang buhay ( ang pakiramdam na kahit sa anong oras may kasama ka na masasandalan at di ka magiging buo kung wala ang bawat isa sa buhay mo).

Sila ay MAHALAGA at tunay na nag bigay ng KABULUHAN sa KASULUKUYANG BUHAY natin NGAYON. Siguro ikakatuwa mo sa ngayon kung sila ang mga TAONG tumulong sa atin sa mga PAGKAKATAON na kailangan natin ng MASASANDALAN o kaya’y mga TAONG SUMANDAL sa atin upang MAKAKAKUHA ng LAKAS ng LOOB na magpatuloy sa BUHAY na kanilang TATAHAKIN. Subalit, napaka sakit ISIPIN kung ang mga taong ito ay GINAMIT lang natin para sa PANSARILING INTERES o kaya’y GINAMIT lang tayo para sa PANSARILI nilang INTERES.

Kahit sa ano pa mang KADAHILANAN sila ay TUNAY na MAKABULUHAN sa atin dahil SILA ay naging BAHAGI ng ating NAKARAAN, maaaring bahagi pa rin ng ating KASALUKUYAN at magiging BAHAGI pa rin ng KINABUKASAN dahil sila ay DAPAT MAGSILBING TANDA ng KABUUAN ng PAGKATAO na meron tayo sa KASAYSAYAN ng ating BUHAY.

Maaaring ang TAONG aking NABANGGIT ay nakagawa ng PAGKAKAMALI sa iyo, minsan isang PAGKAKATAON at INIWAN ka ng NAG IISA para KALIMUTAN ang inyong PINAGSAMAHAN upang gawin ang SARILING TANIKALA ng BUHAY o kaya’y NANATILI sa PANIG mo dahil sa TIWALA sa’yo KAHIT ano pa man ang NAGANAP na PAGBABAGO sa BUHAY mo NGAYON at LAGING nasa TABI mo hindi lang sa MALILIGAYANG PANAHON ng BUHAY mo kundi sa PINAKA MABABANG antas ng PAKIKIPAGLABAN mo sa PAGSUBOK ng BUHAY.

Sila ay di mo pa rin MAAARING BITAWAN, KALIMUTAN at TALIKURAN dahil SILA ay minsan ay naging BAHAGI ng IYONG PAGLALAKBAY at sa PAGKAKATAON na dumating ang DAPITHAPON sa kanilang PAGLALAYAG sa KARAGATAN patungo sa DALAMPASIGAN ng BUHAY, ikaw ang SASALUBONG sa KANILA upang BIGYAN sila ng LIWANAG sa PAGYAPAK sa KADILIMAN at IPARAMDAM sa KANILA ang PAG-IBIG sa PUSO mo.











Sunday, April 11, 2010

Ang KALOOBAN ng LANGIT

Sa Panahon na ang BUHAY ng TAO ay nakasadlak na DI maipaliwanag na PANGYAYARI lahat ay umaasa na lamang sa KALOOBAN ng LANGIT. Ano nga ba ang KALOOBAN ng LANGIT? Sa pagkakataon na ako ay NAGPAPAHINGA matapos ang isang ARAW na puno ng PAGPAPAKASAKIT upang ITAGUYOD ang BUHAY ay isang PALABAS ang nakakuha ng AKING ATENSYON (Queen Seon Deok ) isang palabas sa telebisyon. Ito'y nagsasadula ng TUNAY na NAGAGANAP sa LIPUNANG ating GINAGALAWAN. Ang mga PINUNO na naghahangad ng WALANG HANGGAN KAPANGYARIHAN ( tulad ng pandak sa MalacaƱang na may NUNAL ) at gagawin ang lahat ng PWEDE upang MAKUHA ang PANGARAP na sinasabing para sa LAHAT ngunit kung iyong susuriin ay PANSARILI lamang o kaya'y PANG KAMAG-ANAK lang.

Ang PALABAS ay tunay na nagpapakita di lang ng KATOTOHANAN sa ATING mga PINUNO kundi sa ugali at PANINIWALA ng mga MAMAMAYAN ng ating BAYAN. Kung paano magpaloko at MAGPADALA sa SISTEMA ng LIPUNAN ating GINAGALAWAN. Iyo ring MAPAPANSIN sa KWENTO na maraming PAGHIHIRAP at PAGTITIIS ang DADANASIN upang TULUYAn makamit ang KALAYAAN at TUNAY na KAPAYAPAAN.

ILANG TAO ang KAILANGAN MAGSAKRIPISYO ng PANSARILING HANGAD upang MAKUHA ang NILALASAP na PAGBABAGo na tunay na MAKAKABUTI sa nakakarami. Mga tao na gumawa ng PARAAN upang TULUYANG MAGAPI ay NAGHAHARING PAMILYA sa LIPUNAN.

Isang PAGBABAGO ng SISTEMA na KUMAKATAWAN sa LIPUNANG PILIPINO kahit ang PINANGGALINGAN ay mula sa IBANG LAHI, kwento na mag PAPAANTIG ng iyong DAMDAMIN dahil sa puno ng TUNAY na KWENTO ng BUHAY ( Pagsisikap, Pagtityaga, Pagpapakasakit, Pakikipaglaban at Pakikipagsapalaran ) at ang PINAKA MAHALAGA at KWENTO ng PAG-IBIG at PAG-ASA.

ISANG KWENTO na nagpapakita na NARARAPAT na TULONG TULONG tayong mga PILIPINO upang TULUYANG MAGAPI ay mga NAG-IISIP na sila ang KALOOB ng LANGIT ngunit DAPAT natin ISIPIN na sa PANAHON na MASIKATUPARAN ang GANITONG LAYUNIN ay di dapat NATIN isiping DAPAT ay MAGANAP ng AGARAN ang ating PINAPANAPANGARAp, dahil, tunay na MATAGAL na PROSESO ang TUNAY na PAGBABAGo ang MAHALAGA tayo ay MAKAPAG UMPISA ng PAGBABAGO at ipagpatuloy natin ang nasimulan UPANG MAGANAP ang PANGMATAGALAN na PAG- UNLAD, ngunit dapat ILAGAY sa PUSO at ISIPAN natin na ang TUNAY na KALOOBAN ng LANGIT ay ang DI MAWALA ang PAG-IBIG at PAG-ASA sa PUSO ng bawat isang PILIPINO!

Tribya: Alam niyo ba?  Sa SOBRANG emosyong aking nararamdaman tuwing pinapanood ko ang PALABAS sa TELEBISYON, di ko na natiis na hintayin pa ang SUBAYBAYAN ang KWENTO sa TELEBISYON, ako ay bumili ng DVD( 3 volume ) para mapanood ang KWENTO.
http://www.facebook.com/?ref=home#!/profile.php?ref=profile&id=100000437685662

Monday, April 5, 2010

Birthday Lesson

Napakahalaga sa isang ORDINARYONG TAO ang pag diriwang ng kanyang KAARAWAN. Minsan di mahalaga ang nakasanayang HANDAAN, ang importante ay ang mga TAONG nakaalaala sa'yo sa araw na ito. Minsan sa isang pagdiriwang ng ganitong SELEBRASYON, ating iniisip ang REGALONG ating iaabot sa kanya, ang mga PAGKAIN inyong PAGSASALOHAN, ang dami ng BOTE ng ALAK na inyong pagtatagayan at higit sa LAHAT ang VIDEOKE na usong usong sa ganitong SITWASYON. Mga bagay na MADALAS natin bigyan ng PAGPAPAHALAGA kaysa sa TUNAY na KABULUHAN ng KAARAWAN, ang PRESENSYA mo bilang isang ORDINARYONG TAO ( bilang KAIBIGAN, KATRABAHO, KAMAPAMILYA , KAPUSO o bilang BAHAGI ng BUHAY niya). Sabi nga ng BOSS ko dati, " kahit sandali ka lang sa PAGTITIPON na iyon ang mahalaga, kahit GAANO kadami ang GINAGAWA mo ay DUMALO ka".

Sunday, April 4, 2010

It's the FIRST DAY for this BLOG. It's the start of a NEW EXPERIENCES on letting other PEOPLE knows ABOUT things that i will ENCOUNTER for my EVERYDAY LIFE. It's a DIFFERENT PERSPECTIVE of the SPECIAL things that will HAPPEN in my DAILY ENCOUNTER with the ORDINARYONG TAO.